Reddit download aliwang app
Tips and tricks Learn how to set your availability status, stay up to date with the activity feed, and create group chats and coauthor shared files for real-time collaboration. Watch tips and tricks. Microsoft Teams for Education Help drive the transition to inclusive online or hybrid learning, build confidence with remote learning tools, and maintain student engagement. Watch learning tools. Get the Teams mobile app.
Send now. Your message is being sent. IObit Uninstaller Free. Remove stubborn apps, browser plug-ins, and injected programs promptly and thoroughly. WinRAR bit Free to try. Advanced SystemCare Free Free. Unlock full PC potential with accelerating, optimizing, cleaning, and shielding diagnostics and one-click-fix maintenance. Driver Easy Free to try. Find and update drivers for your computer. Driver Booster Free.
Update device drivers, improve system compatibility, and boost gaming performance with one click. Glary Utilities Free. Clean and fix the registry of your computer and optimize its speed and performance. WhatsApp Free. Message with friends and family while your phone stays in your pocket.
IP Messenger bit Free. Communicate with your local network without server. Facebook Desktop Messenger Free. Chat with your Facebook friends without accessing Facebook. Windows Live Messenger Free. Connect and share instantly on the worlds most popular IM network. Chat with other people and participate in group discussions. Viber for Windows Free. Send free messages as well as make free calls to other Viber users, on any device and network.
ICQ Free. Communicate instantly using the latest version of this popular chat client. ICQ Pro b Free. Seek out friends and colleagues on the Internet and communicate with them in real time. Need for Speed Underground 2 Free to try. Get behind the wheel and own the streets from dusk til dawn. Age of Empires Free to try.
Advance an entire civilization in this strategy game. Mario Forever Free. Play the latest continuation of Super Mario 3: Mario Forever. Free Spider Solitaire Free. Play Spider Four Suits and four other spider solitaire card games. Grand Theft Auto: Vice City 1. Euro Truck Simulator 2 Free to try. Travel across Europe as king of the road, a trucker who delivers cargo across impressive distances. Once you click the Download button, a new distribution.
If all is good, your newly created distribution certificate should be showing with an expiration date of one year from today. Depending on your needs, you may choose any of the following: Apple Development. Apple Distribution recommended. Allows you to sign your apps for submission to all App Stores or for Ad Hoc distribution. Pitong taon diumanong nag-aral ang kagalang-galang na binata sa Europa na kadarating lamang.
Kusa namang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang natutunan niya sa bansang Alemanya.
Samantala, lumapit naman ang Tinyente kay Ibarra at nagpasalamat sa ligtas niyang pagdating. Pinuri rin niya ang kabaitan ng ama ni Ibarra na siya namang nagpanatag sa kalooban ng binata. Palihim na tiningnan ni Padre Damaso ang Tinyente na tila ba nagbabanta kaya naman tinapos na ng Tinyente ang pakikipag-usap nito kay Ibarra.
Nang malapit ng maghapunan ay inanyayahan naman ni Kapitan Tinong si Ibarra sa pananghalian kinabukasan ngunit magalang na tumanggi ang binata dahil papunta daw ito sa San Diego sa araw na iyon. Sa hapag-kainan, ang mga panauhin ay may kanya-kanyang kilos at nadarama na kung panonorin ay parang isang komedya. Si Padre Sibyla na nasisiyahan ay kabaligtaran naman ni Padre Damaso na walang pakundangan kung makapagdabog at natamaan pa ang isang kadete. Ito naman ay hindi pinansin ng Tinyente, sa halip ay masusi nitong pinagmasdan ang kulot na buhok ni Donya Victorina.
Hindi niya namalayan na natapakan na niya ang kola ng saya ng Donya na ikinainis naman nito. Samantala, ang ibang mga bisita naman ay may kanya-kanyang usapan at papuri sa masarap na handa ng Kapitan.
Dahil sa ang hapunan ay para sa pagsalubong sa binatang si Ibarra, karapat-dapat naman na siya ay maupo sa kabisera. Ang dalawang pari naman ay nagtalo kung sino ang dapat maupo sa kabilang dulo ng kabisera. Ani Padre Damaso, si Padre Sibyla ang dapat maupo sa dulo ng kabisera dahil siya ang kura sa lugar na iyon. Bagay naman na sinalungat ni Padre Sybila dahil ayon sa kanya, si Padre Damaso ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago.
Sa kalaunan, inalok ni Padre Sybila ang upuan sa Tinyente na agad naman nitong tinanggihan. Tumanggi rin si Kapitan Tiyago ng siya namang inanyayahan ni Ibarra. Lalo itong nag-alburoto dahil mga leeg at pakpak ang laman ng kanyang tinola. Lingid sa kaalaman ng pari, ang espesyal na tinola ay para lamang kay Ibarra. Dahil dito, nakumpirma ang hinala ng Tinyente na wala ngang alam ang binata sa nangyari sa ama nito. Naikwento rin ni Ibarra na sa kanyang mga bansang napuntahan, iisang antas lamang ang kabuhayan, pulitika at relihiyong tinatamasa doon.
Ito ay sa kadahilanang pinahihintulutan ito ng sarili nilang kalayaan at kakayanang pamahalaan ang kanilang sariling bansa. Agad namang binatikos at ininsulto ni Padre Damaso ang binata na ayon sa kanya ay kahit paslit ay kaya itong matutunan. Dagdag pa ng pari, ang pagpunta diumano ni Ibarra sa Europa ay maliwanag na pag-aksaya ng salapi.
Magalang na tinanggap ni Ibarra ang sinabi ng pari. Binanggit na lamang ng binata ang mga ala-ala niya tungkol kay Padre Damaso na ayon sa kanya ay karaniwan nang kasalo sa kanilang hapag-kainan at malapit din na kaibigan ng kanyang ama. Nagpatuloy pa rin sa pag-alipusta si Padre Damaso kay Ibarra. Ang obserbasyon ng binata noong gabing iyon ay kanya namang isinulat sa pahayagan ng Estudios Coloniales.
Sa plasa ng Binondo ay nagpalakad-lakad si Ibarra at napansin nito na wala man lang pinagbago ang kanyang bayan sa kabila ng matagal na panahon niyang pangingibang-bansa. Tila wala man lang ipinag-unlad ang bayang iyon.
Habang naglalakad ay palaisipan pa rin kay Ibarra ang sinapit ng ama. Sinundan naman siya ni Tinyente upang kwentuhan ng tungkol sa kanyang ama. Si Don Rafael na ama ng binata ay isa sa pinakamayaman sa bayan ng San Diego.
Siya ay matulungin at marami ang nagmamahal sa kanya. Sa kabila ng pagiging mabait ay marami din umano ang naiinggit dito. Kabilang na diyan ang mga pari sa simbahan sa pangunguna ni Padre Damaso. Dahil dito, minabuti diumano ni Don Rafael na hindi mangumpisal, bagay na lalong ikinagalit ng mga pari. May isang Kastila noon na walang kaalam-alam, palaboy, at pinagkakatuwaan ng lahat na hinirang ni Don Rafael bilang isang kolektor. Tumakbo ng mabilis ang mga bata ng nang hindi niya maabutan ay ibinalibag niya ang baton at may tinamaang isa.
Natumba ang bata at walang-awang pinagsisipa ng artilyero. Nakita ito ni Don Rafael kaya inawat niya ito. Ayon sa mga sabi-sabi, sinaktan diumano ng Don ang Kastila hanggang sa tumama ang ulo nito sa malaking bato. Natulungan ni Don Rafael ang binata samantalang ang Kastila ay sumuka ng dugo hanggang sa natuluyang mamatay.
Dahil sa pangayayaring iyon ay nagkaroon ng imbestigasyon ang mga gwardya sibil. Ikinulong nila si Don Rafael at dito na naglabasan ang mga lihim niyang kaaway. Pinaratangan siya ng pagiging erehe at pilibustero, pangangamkam ng lupain at iba pang ilegal na paraan sa pagpapayaman, ang pagbabasa ng El Correo de Ultramar at iba pang ipinagbabawal na babasahin, pagtatago diumano ng mga sulat at larawan mula sa isang binitay na pari, pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga tulisan, at ang pagsusuot ng Barong Tagalog.
Nangawala at tumalikod ang mga dating kaibigan ng Don. Sa kabila ng paniniwala ng taong bayan na si Tinyente Guevarra ay nasisiraan ng bait, tanging siya na lamang ang naging kakampi ni Don Rafael. Ayon sa pakiusap ng Don, ang Tinyente rin ang humanap ng Kastilang abugado para dito. Sa kabila ng kahusayan ng abogado ay tumagal at naging masalimuot ang kaso dahil na rin sa pagsulputan ng mga kalaban ng Don.
Ang masaklap pa dito, hindi pa man tapos ang paglilitis ay nakakulong na at nagdadanas ng hirap sa loob ng rehas si Don Rafael.
Tuluyang namatay sa bilangguan si Don Rafael. Wala man lamang nakiramay na kapamilya o kaibigan ang nasirang Don. Nang araw na iyon ay nagpunta sa Maynila si Ibarra at nanuluyan sa Fonda de Lala. Sa loob ng kanyang silid ay nagmuni-muni ito tungkol sa sinapit ng ama. Sa kabila ng ilog ay tanaw na tanaw ng binata ang nagliliwanag na bahay ni Kapitan Tiyago. Tila naririnig pa niya ang kasayahan sa loob ng bahay, ang tugtog ng mga orkestra at kalansingan ng mga pinggan at kubyertos.
May nagaganap muling isang kasiyahan sa bahay ng Kapitan noong gabing iyon. Dumating ang nag-iisang anak na dalaga ni Kapitan Tiyago na si Maria Clara.
Sinalubong naman ang dalaga ng kanyang mga kaibigan, kababata, mga Kastila at paring malalapit sa ama, mga Pilipino, Intsik, at militar. Nakasuot ng isang marangyang kasuotan si Maria Clara na napapalamutian ng alahas na diyamante at ginto. Ang lahat ay nakatuon ang paningin sa kagandahan ng dalaga. May lihim din itong pagtingin kay Maria Clara. Madali namang nakatulog si Ibarra ng gabing iyon. Kabaligtaran ni Padre Salvi sapagkat hindi mawala sa kanyang isipan ang magandang dalaga na si Maria Clara.
Si Kapitan Tiyago ay nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon. Datapwat hindi nakapag-aral ay naturuan naman siya ng isang paring dominiko. Nang mamatay ang ama ay itunuloy pa rin niya ang pangangalakal. Nakilala niya si Pia Alba na taga-Sta. Cruz at sila ay nagpakasal. Napabilang ang mag-asawa sa mataas na antas ng lipunan dahil sa pagiging mayaman at mahusay magpalakad ng negosyo.
Mailalarawan si Kapitan Tiyago bilang isang magandang lalaki na may moreno, pandak, at bilugan ang mukha. Sinira ng pananabako at pagnganganga ang kanyang hitsura.
Siya ay naninilbihan bilang gobernadorcillo. Kasama sa kanyang paglilingkod ang paghamak sa mga Pilipino at hayaan ang mga Kastila sa ganitong gawain. Kastila na rin ang turing ng Kapitan sa kanyang sarili samantalang ang turing naman niya sa mga Pilipino ay Indio. Pinaniniwalaan ng Kapitan na ang mga Kastila ay mararangal at karapat-dapat pag-ukulan ng paggalang at pagpapahalaga.
Kaya naman hindi mawawala ang kanyang pangalan sa misa at padasal para bilhin ang langit. Ang mga maibigan niyang santo maging ang kabanalan ay nabibili nito.
Punong-puno ng mga dinadasalan ang silid ni Kapitan Tiyago katulad nina Sta. Maraming ari-arian ang nabibili ng Kapitan dahil sa pagnenegosyo. Kabilang na diyan ang pagbili niya ng lupain sa San Diego. Siya namang naging daan upang makilala niya ang kura doon na si Padre Damaso at ang pinakamayaman sa bayang iyon na si Don Rafael Ibarra. Sa loob ng anim na taon na pagsasama ng mag-asawang Kapitan Tiyago at Pia Alba, at sa kabila ng magandang buhay na tinatamasa nila ay hindi naman magka-anak ang dalawa.
Walang humpay sa pamamanata ang mag-asawa. Nagdalantao nga si Pia Alba makalipas ang kaunting panahon lingid sa kaalaman ni Kapitan Tiyago ay hinalay pala ni Padre Damaso ang kanyang asawa at ang katotohanan ay nailantad rin kalunan. Ngunit si Pia Alba ay naging masasakitin na siya namang naging dahilan upang tuluyang mamatay pagkatapos nitong manganak.
Maria Clara ang ipinangalan sa bata na inalagaan ni Tiya Isabel. Sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra ay lumaking magkababata. Sa udyok ng mga pari ay ipinasok ng kanyang ama si Maria Clara sa kumbento ng Sta. Catalina ng ito ay maging katorse anyos samantalang si Ibarra naman ay nagtungo sa Europa upang mag-aral ng medisina. Hindi naman ito tinutulan ng dalawa sapagkat sila ay kapwa nag-iibigan. Sina Maria Clara at Tiya Isabel ay maagang nakapagsimba ng araw na iyon.
Makatapos mag-almusal ay nagkanya-kanya na sila ng gawain. Naglinis ng bahay si Tiya Isabel dahil sa mga kalat bunga ng hapunan ng nakaraang gabi. Si Kapitan Tiyago ay nagbuklat ng mga kasulatan tungkol sa kabuhayan samantalang si Maria Clara ay nanahi habang kausap ang ama upang malibang ang sarili sapagkat ngayong araw ang nakatakdang pagkikita nila ni Ibarra. Hindi mapakali ang dalaga dahil sa pananabik na masilayan ang kanyang sinisinta.
Napagpasyahan nilang magbakasyon sa San Diego dahil nalalapit na ang pista doon. Pumasok pa sa silid si Maria Clara at tinulungan naman siya ng kanyang Tiya Isabel na ayusin ang sarili. Lumabas rin ito at nagkita ang dalawa sa bulwagan. Upang makapag-sarili at makaiwas na rin sa alikabok na likha ng pagwawalis ni Tiya Isabel ay nagtungo ang dalawa sa Asotea. Binalikan nila ang ala-ala ng kanilang kamusmusan, ang kanilang naging tampuhan at mabilis na pagbabati.
Kabilang dito ang dahon ng sambong na inilagay ni Maria Clara sa sumbrero ni Ibarra upang hindi ito mainitan, at ang sulat ni Ibarra kay Maria Clara bago ito umalis papuntang Europa. Binasa naman ng dalaga sa katipan ang laman ng sulat. Ayon sa sulat, layunin ni Don Rafael na pag-aralin si Ibarra sa malayong lugar upang makapaglingkod ng mataas na kalidad sa bayang sinilangan.
Handa diumano itong magtiis na mawalay sa anak upang sa bandang huli ay maibigay nito sa bayan ang kanyang hangarin. Natigilan naman si Ibarra dahil naalala nito na bukas ay undas at marami siyang kailangang gawain. Nagpaalam na si Ibarra na binilinan ng Kapitan na sabihan ang kanyang katiwala na sila ay magbabakasyon doon.
Si Maria Clara naman ay hindi napigilang maluha dahil sa pangungulila kay Ibarra. Sinabihan siya ng kanyang ama na ipagtulos si Ibarra ng dalawang kandila at ialay sa santo ng manlalakbay. Maganda ang araw noong panahong iyon. Binabagtas ni Ibarra ang kahabaan ng Maynila sakay sa kalesa at ang tanawin sa paligid ay nakapagpabalik ng kanyang mga alaala.
Katulad pa rin ng dati ang kanyang namasdan. Mga kalesa at karumatang walang humpay sa pagbyahe, salimbayan ng mga taong abala sa pangangalakal at kanya-kanyang mga gawain: may mga Europeo, Intsik, Pilipino; may mga lalaking kargador, ang iba ay mga kababaihang nagtitinda ng prutas.
Ang mga tindahan at mga hayop na kasama sa paghahanapbuhay ay nandoon din. Walang pinagbago ang puno ng talisay sa San Gabriel samantalang imbes na umunlad ay pumangit naman ang Escolta. Nagmamadali namang ihatid ng mga karwahe ang mga kawani sa tanggapan at mga pari, kabilang na si Padre Damaso.
Sa kalye ng Arroceros ay napadako si Ibarra at naalalang minsan ay nahilo siya sa napakasamang amoy ng tabako doon. Naikumpara din niya ang mga hardin sa Europa ng mapadaan siya sa Hardin ng Botaniko. Ang buong Maynila para sa kanya ay walang pinag-unlad, bagkus ang mga gusali ay nilulumot lamang ng panahon. Nang araw na iyon ay nakatakdang kuhanin ni Maria Clara ang kanyang kagamitan sa kumbento.
Ang kanyang Tiya Isabel ay naghihintay na sa karawahe upang tuluyan na silang makaalis. Siya namang pagdating ni Padre Damaso. Hindi minabuti ng pari ang kanilang pag-alis kaya bubulong-bulong itong umakyat papunta sa bahay ng Kapitan. Agad naman siyang sinalubong ng Kapitan at akmang magmamano sa kamay nito ngunit tinanggihan ito ng pari. Sa halip ay sinabi na agad nito ang kanyang pakay sa Kapitan. Sinabi din niyang dapat na raw itigil ng dalaga ang pakikipag-mabutihan nito kay Ibarra.
Dagdag pa ng pari, hindi daw dapat maghangad ng kabutihan ang Kapitan para sa kanyang mga kaaway. Ang Kapitan naman ay nakumbinsi sa mga sinabi ni Padre Damaso kung kaya pag-alis nito ay agad na pinatay ng Kapitan ang mga kandilang itinulos ni Maria Clara para sa paglalakbay ni Ibarra pauwi sa bayan ng San Diego. Dito ay dinalaw niya ang paring may matinding sakit. Kanyang ibinalita ang mga nakaraang kaganapan kagaya ng pang-aaway na ginawa ni Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tiyago, ang pagpanig diumano ng Tinyente sa Kapitan Heneral, at pakikipag-alyansa kay Padre Damaso.
Ang matandang may sakit ay nakipagpalitan din ng saloobin at sinabing ang pagtaas ng buwis ang dahilan ng pagkaubos nang kanilang mga kayamanan. Aniya, natuto na ang mga Pilipino sa paghawak ng ari-arian. Ang San Diego ay matatagpuan sa baybayin ng lawa at may malalawak na kabukiran. Isa itong maalamat na bayan sa Pilipinas.
Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga tao sa bayang ito na kulang sa edukasyon at kaalaman sa pagnenegosyo. Kapansin-pansin dito mula sa tuktok ng simbahan ang isang gubat na nasa kalagitnaan ng kabukiran. Wala itong pinagkaiba sa ibang mga bayan sa Pilipinas na pinamumunuan ng simbahan kung saan ang pamahalaan ay sunud-sunuran lamang dito.
Bago mailipat si Padre Damaso sa ibang bayan dahil sa ginawa nito kay Don Rafael Ibarra ay siya ang tumatayong kura paroko sa simbahan doon. Kabilang ang mga Kastila at ilang mga mayayamang Pilipino sa mga kinikilala na may mataas na tungkulin sa bayang iyon. May isa umanong matandang Kastila ang dumating sa bayan ng San Diego ayon sa alamat. Ito raw ay matatas magtagalog at malalalim ang mga mata. Ito diumano ay bumili ng gubat sa pook na iyon kung saan ang kanyang ipinambayad ay ang kanyang mga ari-arian tulad ng damit, alahas at salapi.
Kinalaunan ay natagpuan ang matanda na nakabitin sa puno ng isang balete. Di nagtagal ay dumating ang anak ng matanda na nagngangalang Saturnino. Sinikap niyang sinupin ang naiwang ari-arian ng ama. Siya ay nakapag-asawa ng isang taga-Maynila at nanirahan sila sa San Diego.
Kinagiliwan ng mga magsasaka si Don Rafael at dahil sa pagsusumikap nito ay naging bayan mula sa pagiging nayon ang San Diego. Ang pamumunong ito ni Don Rafael ang sinasabing naging ugat ng inggit at galit sa ilan niyang mga kaibigan kalaunan. Ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego ay mabibilang lamang. Ito diumano ay katulad ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan.
Kahit na si Don Rafael ang pinakamayaman, iginagalang ng lahat, at pinagkakautangan ng marami ay hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon. Wala namang posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan si Kapitan Tiyago na may mga ari-arian din, kabilang sa mataas na antas ng lipunan, sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain. Ang posisyon diumano sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang P5, at madalas pa na kagalitan ng alkalde mayor.
Kung tatanungin kung sino ba talaga ang makapangyarihan sa sa bayan ng San Diego, ito ay walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang puno ng mga gwardya sibil. Si Padre Bernardo Salvi ang kura paroko at batang pransiskano na mukhang masasakitin ang siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit siyang may kabaitan kumpara kay Padre Damaso.
Lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan ang Alperes. Siya ay nakapag-asawa ng isang Pilipina at ito ay si Donya Consolacion na mahilig magkolorete sa mukha. Natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap dahil sa agawan ng kapangyarihan ng dalawang Kastila. Ngunit kapag nasa pampublikong lugar ay ipinapakita nila ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan. Matatagpuan sa isang malawak na palayan na nababakuran ng lumang pader at kawayan ang sementeryo ng San Diego.
May malaking krus na nakatirik sa kalagitnaan nito. Masukal ang libingan at makipot ang daan patungo sa sementeryo. Maputik kung tag-ulan at maalikabok naman kung tag-araw. Noong gabing iyon ay napakalakas ng buhos ng ulan. Dalawang tao ang abala sa paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo. Ang isa ay matagal nang sepulturero samantalang ang katulong nito ay bago pa at hindi mapakali sa kanilang ginagawa.
Iniahon ng dalawa ang bangkay na kanilang hinukay na dalawampung araw pa lamang naililibing mula ng mamatay. Ang utos na paghukay sa bangkay at paglipat nito sa libingan ng mga Intsik ay mula kay Padre Garrote na walang iba kundi si Padre Damaso, ang kura paroko ng panahong iyon. Nagtungo si Ibarra sa sementaryo ng San Diego kasama ang kanilang matandang katiwala upang hanapin ang puntod ng kanyang ama na si Don Rafael.
Ayon sa katiwala, kanyang tinaniman ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga ang libingan ng ama ng binata. Sa daan ay nasalubong nila ang sepulturero at tinanong nila rito kung saan naroroon ang libingan ng kanyang ama. Ikinasindak ni Ibarra ang ipinagtapat ng sepulturero. Ayon dito, itinapon nila ang bangkay ng kanyang ama sa lawa dahil sa kabigatan nito at hindi na nailibing sa libingan ng mga Intsik. Dagdag pa ng sepulturero, ang utos na kanyang sinunod ay galing sa kura paroko.
Napaiyak na lamang ang matandang katiwala sa mga narinig. Matinding galit at poot naman ang naramdaman ni Ibarra kaya iniwan nito ang kausap. Nang makasalubong niya si Padre Salvi ay humingi siya ng paliwanag dito kung bakit nagawa nitong lapastanganin ang bangkay ng kanyang ama. Nalaman naman ni Ibarra sa bandang huli na si Padre Damaso pala ang may kagagawan ng lahat ng iyon. Kasabay ng araw ng pagdalaw ni Ibarra sa puntod ng kanyang ama ay ang pagdalaw din ni Pilosopo Tasyo sa libingan ng kanyang asawa.
Dahil sa kakaiba nitong personalidad ay kilala ng lahat ng tao sa San Diego si Don Anastacio o mas kilala sa tawag na Pilosopo Tasyo. Siya ay laman ng lansangan at lakad ng lakad. Marami siyang pananaw sa pulitika at lipunan. Dahil sa hindi siya nauunawaan ng karamihan ay tinawag nila itong baliw. Galing sa isang mayamang pamilya si Pilosopo Tasyo. Siya ay matalino at matalinghaga kung magsalita. Sa unibersidad ng San Jose ito nag-aral na kalaunan ay pinahinto ng kanyang ina sa paniniwalang ang katalinuhan nito ang magiging dahilan upang makalimutan niya ang Diyos.
Nais din ng kanyang ina na mag-pari na lamang ang binatang Tasyo. Ngunit sinuway niya ito at nag-asawa na lamang. Pagkalipas ng isang taon ay maagang nabyudo ang Pilosopo at imbes na mag-asawang muli ay inilaan niya ang kanyang oras sa pagbabasa ng libro. Sa kabila ng paparating na unos at pagguhit ng matatalim na kidlat sa kalangitan ay kapansin-pansin ang kakaibang kasiyahan sa mukha ni Pilosopo Tasyo.
Ang mga tao ay nagtataka sa matalinghaga niyang sagot sa kanyang reaksyon. Ayon sa Pilosopo, ang bagyo ang siyang lilipol sa mga tao at hangad niya ang pagkakaroon ng delubyo na siyang lilinis sa sanlibutan. Iminungkahi din niya sa kapitan ang pagbili ng tagahuli ng kidlat sa halip na mga paputok at kwitis. Tutol din siya sa pagpapatugtog ng mga batingaw sapagkat mapanganib ito kapag kumukulog. Nagpunta si Pilosopo Tasyo sa simbahan at nakita niya doon ang dalawang magkapatid.
Sinabihan niya ang mga ito na kung maari ay umuwi na dahil ang kanilang ina ay naghanda ng isang espesyal na hapunan. Natuwa ang mga bata sa narinig ngunit sa huli ay tumanggi ang mga ito dahil na rin sa kanilang tungkulin sa simbahan. Kanilang napag-usapan ang pagdating ni Ibarra sa bayan.
Nabanggit din ng Pilosopo na nadarama niya ang paghihinagpis ng binata lalo na ng malaman nito ang sinapit ng kanyang ama. Dagdag pa niya, isa rin daw siya sa anim na kataong nakipaglibing sa ama ni Ibarra. Ang kanilang usapan naman ay napadako sa purgatoryo, bagay na hindi pinaniniwalaan ni Pilosopo Tasyo ngunit pinaniniwalaan naman ng nakararami. Bagamat hindi naniniwala ang Pilosopo sa purgatoryo ay nirerespeto naman daw niya ang pananaw ng relihiyon dito.
Aniya, ito raw ay gabay upang ang tao ay mabuhay ng malinis. Ang mga kausap ni Pilosopo Tasyo sa simbahan ay ang magkapatid na sakristan na sina Crispin at Basilio, mga anak ni Sisa.
May hinaharap palang matinding suliranin ang dalawang bata. Nagbibigay ito ng kawalang pag-asa sa kanila lalo na sa mas nakakabata na si Crispin. Hindi niya mababayaran ang nawawalang salapi dahil ang sahod lamang nila sa pagsasakristan ay dalawang piso kada buwan. Tatlong beses pa naman ang pataw sa multa. Hiningan niya ng tulong ang kanyang kuya na si Basilio. Hiniling niya na kung maari ay tulungan siyang magbayad sa ibinibintang sa kanya ng pari.
Ngunit hindi pumayag si Basilio dahil kailangan din niyang ibigay sa kanilang ina ang kanyang kita upang may makain. Nahiling na lang tuloy ni Crispin na mabuti pa sanang silang lahat ay magkasakit.
Nangungulila na ito sa kanyang ina. Naisip niyang kung kapiling lang sana nila ito ay tiyak na ipagtatanggol sila ng ina sa kalupitan ng mga pari.
Dagdag pa ni Crispin, sana nga ay ninakaw na lang niya ang pera ng sa gayon ay may maibabalik pa ito at kung mamatay man siya sa palo ay may maiiwan naman siya sa kanyang ina at kapatid. Ngunit buo ang tiwala ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina na siya ay nagnakaw. Ipapakita umano niya ang maraming latay sa buong katawan dahil sa palo ng pari, pati na rin ang butas niyang bulsa. Sasabihin din daw niya na ang pera lang niya ay isang kuwalta lamang na aginaldo pa sa kanya noong nakaraang pasko.
Pati ito ay pinag-interesan pa ng sakim na pari. Nagpupuyos ito sa galit dahil sa narinig niya ang pinag-uusap ng dalawang batang sakristan. Dahil dito ay pinagmulta niya si Basilio dahil daw sa salang maling pagpapatugtog nito sa kampana. Mas lalo lamang napahamak si Basilio ng magtangka siyang mangatwiran.
Makakauwi lamang daw ito sa ika-sampu ng gabi. Mapanganib para kay Basilio ang umuwi ng ganitong oras dahil mahigpit na ipinapatupad ng guwardiya sibil na bawal ng maglakad ang sinuman bago sumapit ang ika-siyam ng gabi. Matapos itong sabihin ng sakristan mayor ay kinaladkad na niya si Crispin at hindi na magawang makiusap ni Basilio dahil sa pangamba at awa sa kapatid.
Naririnig niya ang pagpapalahaw at daing ng kapatid dahil sa sakit na nadarama. Binalot si Basilio ng matinding paghihinagpis.
Natulala at nawalan siya ng pag-asa para tulungan ang kapatid na mabago ang kanyang kalagayan. Sa pagtila ng ulan ay nagpatihulog si Basilio mula sa bintana ng kampanaryo gamit ang lubid ng kampana. Abalang-abala si Sisa na ina nina Basilio at Crispin sa isang maliit na dampa sa labas ng bayan. May likas mang ganda ngunit pinatanda na siya ng panahon at pagdurusa. Nakapag-asawa si Sisa ng isang lalaking walang idinulot sa kanya kundi sakit sa kalooban. Tamad ito, mahilig sa sugal, iresponsable at nagpapagala-gala lang sa lansangan.
Wala siyang pakialam sa kanyang mag-iina. Madalas pa nga ay binubugbog nito si Sisa kapag siya ay umuuwi sa kanila. Patuloy lamang na tinitiis ni Sisa ang ginagawa sa kanila ng asawa. Nung araw na iyon ay naghanda ng masarap na hapunan si Sisa para sa kanyang dalawang anak. Minsan lamang itong mangyari dahil na rin sa kasalatan nila sa buhay. Inihain niya ang paborito ni Crispin na tuyong tawilis at sariwang kamatis samantalang tapang baboy-damo naman at isang hita ng patong bundok ang para kay Basilio.
Galing ang lahat ng iyon kay Pilosopo Tasyo. Ngunit sa kasamaang palad ay naunang dumating ang asawang tamad at iresponsable ni Sisa. Inubos niyang lahat ng inihain ng asawa para sa mga anak at hindi man lamang nagtira para sa sa kanila.
Ni hindi niya itinanong kung kamusta na ba ng kanyang mag-iina, sa halip ay nagbilin pa ito na bigyan siya ng kwarta mula sa kita ng dalawang bata. Wala nang nagawa si Sisa kundi maghinagpis sa pag-aalalang wala nang masarap na hapunan ang kanyang dalawang supling. Nakarinig na lamang siya ng malalakas na tawag mula kay Basilio. Dumating sa kanilang bahay si Basilio na duguan sa kadahilanang hinabol siya ng mga gwardiya sibil at nadaplisan ng bala sa ulo.
Hindi na siya nakahinto sa paglalakad dahil sa takot niyang ikulong at paglinisin sa kuwartel. Ipinakausap ni Basilio sa ina na sabihing nahulog na lamang siya sa puno kaysa ipagtapat ang tunay na nangyari.
0コメント